Sunday, February 27, 2011

Pinoy Pride

Pinoy na naman? Ano ba yan lagi na lang!

Sya si Maria Aragon. Ang nagcover ng bagong kanta ni Lady Gaga, ang “Born This Way” (i-click para makita ang video). Malupit ang batang ‘to, sampung taon lang, ang ganda na ng boses! Kaya kumakalat sa Internet ang pangalan nya, videos at mga comments na “GO MARIA ARAGON!” at “JUSTIN BIEBER IS A FAG!”. Di malayong susunod ‘to kay Charice.

Pero dahil nga sa sikat na sya sa Internet. Di na natin sya dapat pagusapan, iba naman…..

Isa pa ring Pinoy ang gumagawa ng pangalan ngayon sa Internet, ang video nya ay may mahigit 3Milion views na sa ngayon. Minsan na syang natawag na “GREATEST MAN ON THE INTERNET!!!”. Talagang nakakamangha ang talent ng mamang ‘to. Kakaiba. Mas kakaiba pa sa mga nagbabaliko ng kawad sa Talentadong Pinoy. Astig! Bilib ako!

Kaya para sa mga sabik na sabik ng makita ang Internet sensation na ‘to… eto pinapakilala ko si KOMIKERO



PINOY PRIDE FTW!!!!

Tulungan nating pasikatin ang mamang ‘to. Pano? Panoorin lang natin ang mga videos nya, at ipagkalat ang mabuting balita sa mga kaibigan. At wag kakalimutan ang mag comment ng…

“JUSTIN BIEBER IS A FAG!!!”

Tenk yu!


Mga Iba’t-ibang Uri ng TEXTER

1. Normal – simpleng texter lang. Di araw-araw may load o unli, nagtetxt lang pag may kailangan. At di ka iistorbohin bawat 15 minuto sa mga gm nya. Kabaliktaran nya ang lahat ng mga nasa susunod sa listahan.

2. Twitterers – texter na adik sa gm (group message). Ginagawang twitter ang cellphone. Kadalasang schedule nya sa isang araw ay ang: gumising, gm, kakain, gm, gm ng quotes, gm tungkol sa kung gaano kabadtrip ang araw nya, ligo, gm, tanghalian,gm, gm tungkol sa syota nya, gm tungkol sa kaaway nya, gm ng quotes, gala w/ friends, gm kung gaano kasaya ang nangyari, gm, hapunan, gm, tambay, gm, tambay, gm, tambay with friends, gm, tulog. At sa dulo ng bawat gm ay may nakalagay na favorite line, pangalan nya, kasama ang favorite number nya, at syempre di mawawala ang salitang ~GM~!

3. *mon – jejemon, bekimon, jojomon at iba pang mga *mon! Padagdag na ng padagdag ang mga species ng mga *mon. Iba-iba ang atake ng mga ‘to. Yung mga jeje, at beki, mejo nalalaos na. Pinagsawaan na ng mga Pinoy. At ngayon meron nang bago: TOMO! Pero iba-iba man ng species, isa lang ang plano nila sa buhay: ang hindi maintindihan ang kanilang mga text.

4. LR’s – texter na lagi late ang reply. Ilan sa mga dahilan nya ay mahina ang signal, busy o nakatulog at di kaagad nakapagpaload.

5. Chain-message addicts – di man sya ang kadalasang nagpapasimula nito. Pero asahan mong pagnakarecieve sya ng chain-message e gagawin nya ang lahat para maipasa to sa iba at di mangyari ang sumpa!

6. Stalker – texter na pala-tanong. “Musta na?” “kumain ka na?” “sino mga katxt mo?” “musta lovelife mo?”. Parang gusto na nyang isulat sa libro ang biography mo sa sobrang dami nyang alam tungkol sa’yo. Kadalasang mga lalaki ang ganitong uri.

7. Joker – texter na mahilig sa jokes. Kahit lumang-luma na ang joke, isesend at isesend nya pa rin ito. Boring ang buhay sa kanya kung walang joke na dumadaloy sa mga text lines. At GM din ang kanyang paraan para ishare ang katatawanan sa Mundo.

8. Philisopher – kapatid ng Joker. Kung ang Joker, jokes. Eto naman mga quotes, quotes na sa malamang e di nya rin naiintindihan (dahil malalim o English). Kadalasang mga inlove at brokenhearted ang ganitong mga uri. Katulad din ng Joker, GM nya ito pinapadala.

9. Anonymous – wrong-number/send na texter. Wala syang pangalan sa phonebook mo. Number lang sya sa Inbox mo. Minsan sinasadya nyang maging Anonymous at minsan naman dala na lang ng katangahan kaya sya Anonymous. Weird ang uring to

10. Zombie – texter na hindi mo alam kung patay na o mamamatay pa lang. Di na nagpaparamdam, huli nyang text sa’yo ay nung last year pa. La ka nang balita sa kanya.

10 lang yan. Meron pang iba. Sobrang dami! Kung maitatanong nyo ako kung anong uri ako ng texter, siguro ako yung “Zombie”. Tandaan, pwedeng makamit ng isang texter ang dalawa o higit pang uri. Tulad na lang nung “Joker/*mon/Anonymous” o “Stalker /LR’s”. At siguro katapusan na ng Mundo mo pag nagkaroon ka nang kakilalang texter na….

“TWITERERS AT *MON COMBINED!”

Patay!


Wednesday, February 23, 2011

TV Shows ng Pinoy

Marami na kong nabasa na tungkol sa mga kalokohan ng Pinoy pagdating sa pelikula. Halimbawa, hindi sabay-sabay sumusugod ang mga goons para di mahirapan ang bida, laging huli dumating ang mga pulis, hindi kaagad dadalhin sa ospital ang nabaril/nasugatang bida, at marami pang iba. Maski ako pinatulan ko ‘to dati, pero tungkol lang sya sa mga goons. At dahil nga sobrang dami na nila at wala pa kong nakikita na tungkol sa mga TV Shows, naisipan kong gawan ‘to.

Mga palatandaang TV show nga ng Pinoy ang pinapanood mo.

-Kahit anong mangyari, ireremake at ireremake ng Pinoy ang isang lumang pelikula. Ang dalawang oras na pelikulang ito ay kayang pahabain ng hanggang 9 na buwan.

-Syempre, magdadagdag ng characters para mas humaba ang istorya

-Kung fantasy/superhero movies ang ireremake, napapahaba to sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga kontrabidang halimaw na kayang maging tao at magiging ka-love triangle ito ng bida.

-Kung drama naman, maglalagay sila ng maglalagay ng mga “twists” na malayong-malayo na sa main plot ng original movie.

-Di lang lumang pelikula ang kaya nilang iremake, pati mga koreanovela, tsinovela, at kung ano-ano pang telenovela. Dahil nga galing ibang bansa, kadalasang foreign din ang mga pangalan kaya babaguhin nila ito. 

-Nauuso na rin ngayon ang mga “t(w)een shows” mas bata pa kesa sa Gimik, TGIS o Click. Ang kadalasang plot nito ay ang maglandian ng maglandian ng maglandian. Malalaman mo na lang na nagkapalit-palit na pala sila ng loveteam.

 -Kadalasang title ng mga Sitcom shows ay yung mga pangalan mismo ng bida.
At kadalasang pangalan ng mga characters sa sitcom e ang pinaghiwalay ng pangalan ng isang sikat na celebrity (pangalan ng celebrity ang pangalan ni character#1, at apelyido naman nung celebrity ang pangalan ni character#2)

-Kadalasang “sosyal at pangmayaman” ang pangalan ng character na panget.

-Di rin mawawala sa list of characters ang mga foreigner na nagpipilit magtagalog kahit bulol.
Ang kadalasang set e yung sa studio lang, gumawa lang sila ng background ng mga bahay, o kalsada.

-Sa mga gag show naman, pag nabitawan na ang punchline, titingin sa camera ang isa at ipapakita ang “nagtataka” nyang muka. 

-Laging may sexing miyembro ang cast ng gag shows/sitcom, at syempre pag may sexy, di mawawala ang mga summer specials kung saan sila ay nasa beach at naka bikini ang mga babae

-Lagi ring may mga panget na miyembro sa cast, eto yung kadalasang mga nasa utility o crew lang ng show at bigla na lang  madidiscover at gagawan ng sandamakmak na jokes kung saan lagi syang pinandidirihan.

-Nauuso na rin ang mga remake ng mga game shows. At di rin mawawala ang mga sexing babae na walang ibang gagawin kundi ang gumiling ng gumiling

-5 sunod-sunod na projects ang gagawin ng bidang loveteam, at bigla mo na lang malalaman na sila na pala at buntis na ang babae.

-Pero pag unang project pa lang nila, gagawan ng issue ang dalawa para pumatok ang show. Ano ang issue? Na may relasyon na ang loveteam! Kahit na pamilyado na ang lalaki

-Sofa ang kadalasang set ng mga talk shows

-At kusina naman sa mga cooking shows


*Bonus* Format at pagkakasunod-sunod ng mga shows sa isang major network

5:00am – 9:00 Morning talkshow (may kasama ring news, cooking shows, lifestyle at sandamakmak na hosts)
8:30 (eto talaga ang schedule, pero laging delayed) – 10:30 Mga anime na translated sa tagalog (syempre) o mga American Cartoons na kahit English e tinatranslate na rin sa tagalog
10:30am – 12:00 Lifestyle/showbiz talkshows, o shows na nagpapakita ng talent, o mga magkapitbahay na nagbabatuhan ng silya ON NATIONAL TELEVISION!
12:00pm – 2:30 Noontime variety shows na may mahahabang commercial
2:30 – 5:30 Pinoy drama, koreanovela, telenovela, pwede ring anime o cartoons
5:30 – 6:30 ???????
 6:30 – 8:00 News shows
8:00 – 10:30 Mahigit 4 na oras ng Pinoy drama (kadalasan naman mga remake lang), minsan may nasisingit na gag shows o sitcom
10:30 – 11:30 KOREANOVELA!!! Walang ibang sisingit
11:30pm – 12:30 News shows uli, pero minsan may gag show
12:30am – 4:00 mga replay ng ilang shows
4:00 – 4:45 mga shows na pangbanal
4:45 – 5:00 SIGN OFF!!!

*kung may nalimutan akong ilagay, icomment nyo lang.



Friday, February 18, 2011

Le’ Chem

Balance each redox reaction using the oxidation number method:

KMnO4       +       HCl       -->            KCl        +       MnCl2      +     H2O
NaI           +          H2SO4         -->       H2S        +          I2         +          Na2SO4           +       H2O


ANO DAW??!!!!

Elements, Matters, Atoms, Reaction, etc. – isa lang ang ibig sabihin sakin nyan: bangungot! Ayoko talaga ng Chem! Pinilit ko syang gustuhin noon, pero ako na rin ang umayaw.

Sabi sa Wikipedia, ang Chemistry daw ay “the central science”. Central science, Science na sobrang nakakabaliw. Ewan ko kung paano ang takbo ng isip ng mga sayantis at sobrang mani sa kanila ng Science. Bat kaya di ako nabibiyayaan ng ganung “takbo ng isip”?

H, C, Ba, Y, P, O, Rn, - ilan lang yan sa mga elements sa Periodic Table. Dmitri Mendeleev (tama ba?)  , ang mamang nagaayos ng Periodic Table. ELEMENTS, kung baliw kang tulad ko, ang una mong maiisip ay yung mga Fire, Wind, Metal, at yung iba pang elements na makikita sa Pokemon. Pero ang totoong elements ay yung Oxygen, Hydrogen, etc. na pag pinagsama-sama e nakakabuo ng Compound! Parang magic spell ng paborito mong RPG! At yan  ang basics ng Chemistry. *bow*

Pag naging compound na, dito magiging miserable ang buhay mo. Magmula sa simpleng H2O hanggang sa Al2(SO4)3 , lahat yan dadaanan mo sa Chemistry. At nga pala, di lahat ng Chem ay tungkol lang sa elements at compounds, tinuturo din dito ang Molality at kapatid nyang si Molarity at ang pinsang nilang si Normality, Matter, Solution , Enthalpy, Quantum Numbers at iba pa! Astig!

Balik tayo sa compounds, sa dami ba naman ng elements e di naman lahat yun e alam mo kung anong ginagawa sa buhay mo. Tulad na lang nung:  Hafnium (Hf), Roentgenium (Rg), Terbium (Tb), Berkelium (Bk) at yung mga Uuu, Uuq, Uub! Pero may mga elements na malama’t sa malamang e alam na alam mo tulad na lang nung: Samarium (Sm), Lawrencium (Lr), at Bismuth (Bi)! Pano pa kaya pag pinagsama-sama na sila? Minsan napapaisip ka na lang ng nakakain kaya H2AsO4? Ano ang lasa nito? Tatama ba ko sa lotto pag nabalance ko nang tama ang Zn + HCl à ZnCl2 + H 2? Anong ligaya ang mararanasan sa Polar at Non-Polar? Hay Le’ Chem!

At di na ko nagtataka kung bakit “problem” ang tawag dyan sa taas….

(Pag ubod ka ng talino, try mong sagutin ang nasa taas. High school Chemistry yan kaya baka sisiw na sayo yan!)

Oops teka muna, heto nga pala ang dalawang subok na tips pag bored ka sa Chemistry class nyo…


HALATA BANG SOBRANG SINESERYOSO KO ANG CHEMISTRY????